Love story nina Cristine at Ali Khatibi nagsimula sa gym

CRISTINE REYES AT ALI KATIBI

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

GULAT na gulat ang magiging ama ng ipinagbubuntis ni Cristine Reyes sa natatanggap niyang atensiyon ngayon matapos ngang umamin ang aktres sa tunay niyang kundisyon ngayon.

Nabasa namin ang interview kay Ali Khatibi sa isang website at dito nga niya inamin na overwhelming ang feeling ngayong alam na ng buong mundo na siya ang ama ng baby ni Cristine.

Si Ali  ay dating featherweight champion ng Universal Reality Combat Championship, ang local version ng Ultimate Fighting Championship (UFC).

“I knew there was gonna be some buzz but I never expected it to be like this. It’s overwhelming. Cristine obviously knows how to deal with this but me I’m still overwhelmed,” sey ng model-mixed martial arts fighter sa nasabing interview.

Ayon pa sa dyowa ni Cristine, gusto niyang samantalahin ang pagkakataong ito para mas mai-promote ang MMA sa Pilipinas,

“If I can bring more attention to local mixed martial arts, that would be perfect. It’s still a growing sport here in the country even though it’s been around for quite some time. I strongly encourage everyone out there to follow and support local MMA fighters,” aniya.

Nagsimula  ang friendship nila ni Cristine nang imbitahan niya ito na mag-try ng sports na Jiu-Jitsu. Mula raw noon ay halos lagi silang sabay na nagpupunta sa gym para sa nasabing sport.

Read more...