Isa kami sa natuwa sa sinabi ni Luis Manzano na hindi na nila kailangan ni Angel Locsin ng pre-nuptial agreement kapag nag-decide silang magpakasal na.
Para kay Luis, hindi issue ang pera sa kanilang dalawa, wala ito sa priority nila bilang couple. All they have is love for each other and that’s what counts.
Tila nagbiro pa nga si Luis na mas malaki ang kinikita ni Angel kaysa sa kanya. Ang dami kasing commercials ng dalaga, may dalawang malaking movie pa siyang gagawin next year, hindi siya nauubusan ng raket.
Mabuti naman at maganda ang values ni Luis when it comes to settling down. Hindi siya naniniwala na kailangan talagang magpirmahan ang couple about money na paghahatian nila kapag sila ay naghiwalay.
Usung-uso ang pre-nuptial agreement pero ayaw makisuso ni Luis. And for that, we salute you, Luis.