Isa pang napansin ng aming mga friends ay ang diumano’y “absence” ni kagandahang Ai Ai delas Alas sa mga shows ng ABS like The Buzz at Aquino & Abunda Tonight na regular na venues ng mga artistang nagpu-promote ng movies na malapit nang ipalabas, tulad ng “Past Tense”.
Ayon sa ilang listeners at ka-Chismakers namin sa aming radio show sa DZMM na “Chismax”, para kasing hindi nila nararamdaman ang presence ng Comedy Queen sa naturang mga shows kung saan host si Kris Aquino?
Hindi raw kaya nagsabi na si Kris na huwag munang i-guest ang dati niyang friendship sa shows niya, o baka si Ai Ai na ang nagsabi na wag muna siyang umapir sa mga programa ni Kris?
Baka naman sa nalalapit na showing ng movie ay magawa nang iwan sa “past tense” ang anumang isyu nina gandang Ai Ai at Kris, di ba?
Knowing Kris, e, mahal din naman niyan si Kim Chiu na kasama nga ni Ai Ai sa movie together with Xian Lim. Showing na sa Nov. 26 ang “Past Tense”.