Drug addiction: Sinong may sala? | Bandera

Drug addiction: Sinong may sala?

Dr. Hildegardes Dineros - November 19, 2014 - 03:31 PM

HINDI nangyayari ang adiskyon sa isang kisap-mata.  Ito ay isang mahabang proseso kung saan ang ating katawan ay nasanay at nakukondisyon na hanap hanapin ang mga bagay na kinababaliwan.

Ganap na adik na ang isang tao kapag ang kanyang trabaho, pagiisip at mga relasyon ay tuluyang naapektuhan at napipinsala.
Nagsisimula ang adiksyon sa ating mga sarili.

Bilang mga tao, tayo ay patuloy na naghahanap ng mga bagay na masarap na  puwede natin ipangtapat sa hirap na dinaranas natin sa araw araw.

Likas na makasarili ang tao, madalas ay iniisip natin na tayo ang diyos ng ating katawan; tayo ang may kontrol sa ating kapalaran.

Dahil sa ugaling ito, konting hirap lang ang dinarana, tumatakbo agad tayo sa kahit anong makapagpapagaan sa ating pakiramdam.

Nariyan ang alak,  droga, yosi, sex, video games at pagkain ay tinuturing natin na mga agarang  solusyon sa mga hirap na dinadanas.

Karaniwan, ang  mga ito ang una nating tinatakbuhan at  sa huli ay sinasamba.  Ipinagpapalit natin ang Diyos sa bote ng gin, beer o anumang inuming nakalalasing; habang ang dasal ay nauuwi  sa pagturok ng droga o pagsinghot ng shabu at ang ating kalusugan sa paghithit ng yosing kaha kaha.

Gaya nang nasabi natin, ang  adiksyon ay nagsisimula sa sarili— ang pagbabago ay ganon din. Ang adiksyon ay hindi permanente, ito ay maaaring agapan at gawing daan para mahanap ang sarili at magsilbing inspirasyon sa marami.

Kailangan lamang ay naroroon ang determinasyon na tayo ay handa at taos sa ating puso ang naisin na magbago.
Kailangan din ay matuto tayong bumitaw sa mga bagay na di natin kayang hawakan, kailangan natin matutong magtiwala sa Diyos at panghugutan siya ng lakas.

Wala namang masama sa konting sarap sa buhay ngunit hindi natin ito dapat abusuhin at huwag natin itong sambahin.Kung ikaw ay nalulon na sa mga “substance” na hindi dapat mong ibinibigay sa iyong katawan, marahil ay mahihirapan kang intindihin ang mga sinasabi ko rito.

Nguni’t kung pag-bibigyan mo ng pagkakataon na mamulat ka sa katotohanan, ituloy mo ang pagbasa sa kolum na ito sa susunod nating labas sa Huwebes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending