Luis: Hindi mukhang pera si Angel…mas mayaman siya sa akin!

By Ervin Santiago November 19,2014
share this

Luis: Hindi mukhang pera si Angel…mas mayaman siya sa akin!

By Ervin Santiago November 19,2014
share this

luis manzano

HINDI na kailangan ng pre-nuptial agreement sa pagitan nug magdyowang Luis Manzano at Angel Locsin. Ito ang ipinagdiinan ng binatang anak ni Gov. Vilma Santos nang tanungin tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Angel.

Ayon kay Luis, di hamak daw na mas malaki pa ang kinikita ni Angel kesa sa kanya kaya walang dahilan para alukin niya ng pre-nup ang kasintahan. Aniya pa wala pa sa isip nila ni Angel ang mga ganitong usapin.

“Hindi ko naman siya babalikan kung hindi ako sigurado sa kanya. Kilala ko si Angel, definitely she’s not after money, mas maraming pera sa akin si Angel. I’m man enough to admit.

Totoo naman eh. Sabi ko nga, malayo ang TF (talent fee) ng isang leading lady of that caliber, sa isang host. Napakalayo,” sey ni Luis sa interview ng ABS-CBN.

Hindi na rin daw kailangan na i-secure ang kani-kanilang properties kapag ikinasal na sila, “Kunyari, ‘yung TF niya sa TF namin, endorsement sa endorserment, ang layo.

Nababalitaan ko ‘yon within the industry. Kasi si Angel ano eh,  kumbaga, the way I know her, she’s very logical na ‘Okay, ito yung pag-aari mo. Ito pag-aari ko.’”

Nang muling tanungin kung kelan talaga sila magpapakasal, ang tugon ni Luis sa nasabing interview “Siguro, engagement muna…but this is a big maybe ha, maybe next year.”

Ayaw din daw ni Luis ng bonggang-bonggang wedding, “Gusto ko talaga, sobrang intimate lang ng wedding namin. Gusto ko church, siyempre. Iba kasi ‘yung sanctity ng isang church wedding.

But I respect her faith din naman kaya I can’t impose na sa church tayo. So kumbaga, that’s one of the things that we really need to talk about.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending