Bea Binene, Jake Vargas magaling magdala ng relasyon

bea binene
PAGANDA na nang paganda ang mga eksena sa GMA TeleBabad series na Strawberry Lane starring Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez, Rita de Guzman, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon at TJ Trindidad, pagkatapos ng More Than Words.

Sa lahat ng mga nagtatanong, narito ang mga mangyayari ngayong gabi. Na-recover na ang sasakyan nina Elaine sa ilog pero wala sila roon. Inanod daw sila ayon sa rescue leader.

Nagalit si Jonathan sa report na ito at napagbuntunan pa ang rescue leader. Nagising na si Elaine at hinahanap si Clarissa. Nakita niya itong nakalutang sa ilog.  Nang lapitan niya ito ay wala itong pulso.

Ire-revive niya si Clarissa at unti-unti ay magkakamalay ito. Habang naglalakad ay natumba si Elaine, may sugat siya.
Sinisi ni Monique si Jonathan sa trahedya.

Kung di dahil sa kanya hindi mamamatay si Stella at hindi mapapahamak at mawawala sina Elaine.  Pati sina Jack at Lupe ay dinamay ni Monique sa galit niya.

Nang magkausap sina Jack at Lupe, nag-alala sila pero sasabihin ni Lupe na kailangan nilang makisama. May dumating na sa kakahuyan – sina Dolores at Delfin.  Humingi ng tulong sa kanila sina Clarissa pero tinutukan sila ng rifle ni Delfin.

Dinala sila nina Delfin sa isang cabin/kubo at dun pinakain. Nang magtanong sina Elaine kung pwede makitawag, tumanggi sina Delfin, wala raw silang cellphone.  Pinayuhan nila ang dalawa na magpahinga muna.

Inilibing na si Stella.  Nagparamdam naman siya kay Elaine sa panaginip. Samantala, nag-volunteer si Gabo na tumulong sa paghahanap kay Clarissa. Gumaling na ang sugat ni Elaine at nagsabi silang pwede na silang umalis.

Ngiti lang si Dolores. May kausap naman si Delfin sa telepono – si Christopher. Bilin nito na wag pakawalan sina Elaine. Habang nag-uusap sina Elaine at Clarissa, maikukuwento ni Elaine na may ibang babae si Jonathan.

Galit si Clarissa.  Nang magpaalam sila kay Dolores na samahan sila sa bayan, hindi ito papayag. May pagdududa na kina Elaine.

Samantala, going strong pa rin ang relasyon nina Bea at Jake, pansinin n’yo, tahimik ang kanilang lovelife – as in walang nangnenega o namba-bash sa kanila.

In fairness, magaling ding magdala ng relasyon ang dalawang bagets kaya naman napapanatili nilang tahimik at private ang kanilang love affair.

Read more...