Nurse na buntis wagi ng P46M sa 6/42 lotto

NAGKATOTOO ang suwerte sa isang buntis na nanalo ng P46.2 mil-yong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Masuwerte ang 24-anyos na nurse dahil tumama siya ng jackpot prize sa unang pagkakataon na siya ay tumaya sa lotto. Siya ay nakatira sa Cavite City.
Tinamaan niya ang mga winning numbers na 02-09-15-20-21-30 sa ginawang draw noong Nobyembre 11.
Nakuha umano niya ang mga numero sa due date ng kanilang bill sa kuryente na isinama niya sa petsa ng kaarawan nilang mag-asawa at anibersaryo ng kanilang kasal.
Magtatayo umano siya ng negosyo at itatabi sa bangko ang bahagi ng kanyang premyo.
Ayon sa jackpot winner, sinubukan lang daw niya ang tumaya sa lotto at hindi inaasahan na mananalo siya.

Read more...