Babala kay Rhian: Mag-ingat sa asawa ng bagong dyowa

fhian ramos

MERON daw ka-date si Rhian Ramos noong mag-watch siya ng “Relaks, It’s Just Pag-Ibig”.

Merong naka-sight sa Kapuso actress at itsinika sa social media na may kasamang guy ang aktres nang dumalo siya sa premiere night ng nasabing movie na showing pa rin until now.

Sino kaya ang mystery guy na ka-date ni Rhian? Ito kaya ‘yung lalaking sinasabing karelasyon niya ngayon na mas matanda sa kanya? Were they sweet that night kaya naman nasabing magdyowa sila?

Kung true nga na may ka-date si Rhian, aba, she’s going public na pala about her relationship. After her break-up with TV host KC Montero kasi ay wala nang nakitang ka-date si Rhian.

Until rumors spread that she’s romancing a guy old enough to be her father at sinasabing hiwalay sa asawa at may mga anak.
Wala namang dapat ikabahala si Rhian kung magkaroon man siya ng dyowang pwede na niyang maging tatay, pero ang balita nga, may asawa’t mga anak na ito.

Hindi kaya kapag biglang bumandera ang relasyon nila ay guluhin siya ng unang pamilya ng guy? Tiyak na malaking iskandalo pag nangyari ‘yan.

Read more...