Iñigo Pascual itatambal kay Julia Barretto

 


OVERWHELMED and happy si Iñigo Pascual pagkatapos mapanood ang sarili sa big screen for the first time sa premiere night ng kanyang debut movie titled “Relaks It’s Just Pagibig.” Hindi nga raw niya in-expect na  ganoon siya kainit tatanggapin ng tao noong premiere night.

“Super happy po talaga ako. Super thankful na they’re happy about the movie,” bungad ni Iñigo noong makausap namin sa late-dinner cast party after ng premiere night.

Bago maganap ang premiere night, nabasa namin sa Instagram account ni Iñigo na excited na siya for the said event. Pero wala raw siyang expectation.

Inamin niya na sobrang ninenerbyos daw siya bago magsimula ang premiere night. Natatakot daw siya noong una pero after mapanood ang movie, okey na raw siya.

Natuwa rin siya noong makita ang reaction  ng mga nanood ng movie sa premiere night. Sana nga raw magustuhan din ng mga tao ang movie at panoorin sa mga sinehan.

Of course, super proud and happy daw ang kanyang Papa na si Piolo Pascual sa kanyang performance sa movie. Nape-pressure rin daw siya na manonood din that night ang kanyang Papa Piolo. “Kasi si Papa po ‘yun ‘di ba? Okey naman po.

He was happy. He’s very proud po,” ngiti ng binatilyo. Awkward naman daw ang feeling niya na makita ang sarili on screen, “Pero ano cool dahil ano, you know, it’s cool na ako na po ‘yung  nasa sinehan.

Parang dati dream ko lang po ‘yun ‘di ba?” Sabi ni Piolo, surreal ang feeling na panonoorin naman niya this time ay ang kanyang anak, “Opo, si Daddy po, si Papa po ang pinapanood ko kaya ang cool nga na ako na ‘yung nasa loob, ay, ako na ‘yung nasa  frame po.”

After ng promo niya for “Relaks Its Just Pagibig” na showing na ngayon, tatapusin na niya ang next film assignment niya with Julia Barretto this month. Bukod diyan, may gagawin din daw siyang episode for Wansapanataym with Julia again.

Nakatakda namang umalis ng bansa si Iñigo next month. Sa US siya magse-celebrate ng Christmas and New Year and then he might come back daw sa Pinas next year.

Read more...