Pinsan ni Rachel Alejandro ginulat sina Lea, Bamboo, Sarah at Apl

NINO ALEJANDRO

BONGGA ang performance ng singer-songwriter at band vocalist na si Nino Alejandro sa  ipinalabas na blind audition nu’ng Sabado ng gabi sa The Voice of the Philippines season 2!

Sa mga hindi pamilyar kay Nino, siya ay kapamilya nina Rachel at Hajji Alejandro. Mabilis na umikot sa kanya ang apat na coach ng The Voice, pero ang unang humanga sa galing niya ay si coach Lea na talagang na-shock nang malamang si Nino ang nasa stage.

Halos magwala na naman si Lea sa sobrang excitement. Ha-hahaha! Nagsimula bilang singer si Nino noon pang 1995, in fact he has already released three albums and at least two movie soundtracks.

Sa ngayon daw ay busy siya sa kanyang pagiging tatay at bokalista rin siya ng isang banda. Lahat ng coach ay napaikot sa rendition niya ng AC/DC’s “Highway to Hell”, pero sa apat ay si Lea lang ang mapasigaw sa sobrang pagkabigla nang makikala si Nino, “Oh my God! Hang on a minute.

Dude, it’s been way too long. Okay, you know what, you got to introduce yourself to everybody,” sey ni Lea. Hirit pa nito sa performance ng singer, “That is the best I have ever heard you sing. It’s like, ‘I sing heavy metal, I sing rock, this is, this is me!’. I got excited!”

Halos maluha si Nino sa mga narinig na komento from the four coaches, “Unang-una, I just want to say thank you sa inyong lahat, pero I’m just happy to be back.

Ang coach po na pipiliin ko po dahil sa tingin ko, ito po ‘yung coach na mag-oopen sa akin, ‘yung paningin ko, ‘yung isip ko, ‘yung musicality ko, to take it sa level na I always wanted it to go to, at ‘yung coach, ay si Lea.”

Read more...