Heart bumaho ang image dahil sa intrigerang blogger

heart evangelista
TILA may pagkaplastik ang blogger na si MJ de Leon ng Lifestyle Hub.

After interviewing Heart Evangelista on the set of Startalk, MJ immediately posted this message, “Today’s greatest realization: @heart021485 is so down to earth. Thanks for earlier’s interview Heart. #Startalk :).

But not long after, biglang nang-intriga na ang hitad and posted a message on his Instagram account saying that Heart was, “Initially disappointed that GMA exerted more effort in promoting the Marian Rivera-Dingdong Dantes wedding.”

Nag-away ang fans nina Marian at Heart because of this. Sumama ang imahe ni Heart who was painted as an envious bride-to-be. Ang daming masasakit na sinabi against her.

Tila nagkamali ang GMA 7 sa pag-invite sa blogger na ito na hindi naman yata nakatulong para i-promote ang anniversary ng Startalk. Hindi na nga nakatulong ay nang-intriga pa.

We felt that Heart’s statement was taken out of context. Bakit naman niya sasabihin in the first place na disappointed siya sa GMA 7 at palalabasing inggit na inggit siya sa full-blown promotion na ginagawa ng Siyete sa forthcoming wedding nina Marian at Dingdong? Why would she do that? Doesn’t make sense, ha.

Merong isang writer na nag-warn sa blogger na ‘wag mag-spread ng kasinungalingan about Heart. Kawawa naman kasi ang dalaga, panay banat ang inabot.

Naku, itong mga blogger na ito, para lang may magbasa sa kanilang site ay kung anu-anong intriga ang ginagawa. Ang cheap, ha! With what he did ay baka hindi na kumbidahin ng GMA ang intrigerang blogger.

Read more...