Kim, Xian naglolokohan lang

kim chiu
NAKAKATAWA itong tambalang-Kim Chiu at Xian Lim. Pansinin n’yo, natsitsismis lang na may relasyon ang dalawa kapag meron silang pinu-promote na project. Pag wala, deadma naman. Ha-hahaha!

Kasi nga, obvious na wala naman talagang namamagitan sa kanila. It’s just for the show! “Hindi naman kasi hilig ni Kim ang malamyang lalaki. Gusto niyan barako at macho talaga tulad ni Gerald Anderson.

Yung may kakaibang muscles. Hindi yung lalaking banidoso na may bitbit na sariling kikay kit. Ha-hahaha!” sabi ng isang istambay sa may kanto namin sa Kamuning.

Mukhang nais kong mag-agree. Obvious naman to this day ay hindi pa nakaka-move on si Kim sa break-up nila ni Gerald a few years back – kahit nakipagbati na siya (plastikan nga lang ba?) with Gerald’s girlfriend Maja Salvador, halatang in love pa rin si Tsekwa sa kaniya.

And Xian is not the answer to her love depression – and for sure they both know that. Saan ka nakakita ng lalaking branded ang lip gloss? Saan ka nakakita ng lalaking kung makairap akala mo wala nang bukas?

Isa siyang malaking off sa society namin, ‘no! Pero carry niyang makipaglaro sa showbiz as far as pa-loveteam effect is concerned, kailangan niya kasi si Kim.

Halata namang Kim tried to like him or more to eat, to learn to love him pero hindi yata talaga pasok sa banga kasi nga, masyadong mahinhin si Xian. Kaya hanggang ngayon ay pinapantasya pa rin yata ni Kim si Gerald.

Iyon nga lang – waley na talaga siya sa puso ni Ge. Kaya tiyaga na lang muna siya kay malditang Xian.  Ang ending, heto ang dalawang Intsik na nagbobolahan at nang-eechos ng mga tao. Bow. Ha-hahaha!

Read more...