Vice: Kailangan ko nang magpaopera!

vice ganda
Bumalik na sa It’s Showtime kahapon si Vice Ganda kaya siguradong titigil na ang mga kanegahang kuwento tungkol sa pagkawala ng komedyante sa noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Vice, walang katotohanan ang mga chika na kaya lagi siyang absent sa programa ay dahil may issue siya sa kanyang mga katrabaho at sa production staff ng Showtime.

“Sobra ko kayong na-miss lahat, mga kapatid ko sa It’s Showtime, mga madlang people,” ani Vice matapos ang kanyang opening production number.

“Nakakainggit pag nanonood ako sa inyo. Maraming salamat talaga at pinayagan ninyo akong makapagpahinga ng sandali,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa kanyang co-host na si Billy Crawford, “Isa sa atin ang mawala, ‘yung parang pilay kami, pilay ‘yung lamesa. Hindi kami makatayo ng maayos….It’s definitely a pleasure to have you back here again.”

Na sinagot naman ni Vice ng, “Alam niyo napatunayan ko nung wala ako, itong It’s Showtime, mabubuhay ito ng wala ako. Pero na-realize ko na hindi pala ako mabubuhay ng wala ang It’s Showtime.”

Ibinalita rin ni Vice na mawawala uli siya sa Showtime, “Kailangan ko po magpaopera (ipatatanggal ang polyp sa lalamunan) sa January. Mawawala po ulit ako pero sandaling sandali lang.

Hindi pwedeng magtagal. Mas ikamamatay ko ang pagkawala dito kaysa sa polyp sa lalamunan ko,” sey ni Vice.

Read more...