ZSA ZSA, DOLPHY problema daw sa pera | Bandera

ZSA ZSA, DOLPHY problema daw sa pera

|March 31,2012
facebook
share this

ZSA ZSA, DOLPHY problema daw sa pera

- March 31, 2012 - 02:44 PM

Nananatiling matatag si Zsa Zsa Padilla para kay tito Dolphy.

Aminado naman ang Divine Diva na dumadaan sila ngayon sa isang pagsubok, pero aniya, napapawi ang lahat ng kanyang alalahanin dahil bumubuti na ang kundisyon ng Comedy King.

Though marami pa ring “bawal” kay tito Dolphy dahil sa kanyang kalagayan, unti-unti na raw nakakabawi ng lakas ang King of Comedy.

Kinakaya rin daw ng kanilang pamilya na itawid ang lahat ng pangangailangan ni tito Dolphy para sa kanyang mabilis na paggaling.

Inamin din ni Zsa Zsa na medyo “tough” ang kanilang estado ngayon pagdating sa pananalapi.

Pero sabi nga niya, lahat daw ay idinadaan na lang nila sa pagdarasal at sa pagsisipag sa kanilang mga trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending