Salary loan para pamasko

MAGANDANG araw sa Aksyon Line.

I’m Maryann  Tamares.   Mahigit   tatlong taon na rin po akong empleyado  bilang isang beutifician.
Ako po ay ipina-nganak noong  March 29, 1991 at ang aking SSS no. ay 3421193292.

Ask ko lang po sana sa Social Security System kung pwede na po  ba akong makapag-avail ng salary loan sa SSS?
Malaking tulong po eto lalo’t magpapasko na para maipambili ko man lamang ng Pamasko ang aking anak. Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. Salamat po.

MaryAnn Tamares
SSS No. 3421193292

REPLY: Para sa katanungan ni Ms.  MaryAnn Tamares na kung maaari na siyang makapag-avail ng loan sa SSS narito po ang aming tugon:
Base sa aming record, kwalipikado  na siyang mag-avail ng salary loan  na nagkakahalaga ng P12,000.

Pinapayuhan si Ms. Tamares na magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS  para mag-aplay ng salary loan.

I-fill-up ang form para sa salary laon, tapos dalhin ito sa employer at ipapirma.  Kapag napirmahan na ng employer, dalhin muli sa SSS at isumite ang accomplished  salary loan form.

May dalawa hanggang apat na araw na processing ang hihintayin, at  dahil ikaw ay employed, ito ay  ipadadala sa iyong employer.

Sana ay natugunan namin ang katanungan ni Ms. Tamares.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa jbilog@bandera.ph,  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.
vvv
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...