Vic kayang-kaya pang buntisin si Pauleen: Bonggang-bongga ‘yan!

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

Nabasa ko na mas magiging maligaya raw si Bossing Vic Sotto kapag nagkaroon pa siya ng additional na baby sa girlfriend niyang si Pauleen Luna.

And why not? Kung keri pa niyang gumawa ng bata, di ba? At bata pa naman si Pauleen, tiyak na kayang-kaya pa nito kahit dalawa at tatlo pang baby.

“Kapag darating (baby) I will be happier. It’s most welcome kung may parating pa. Bonggang, bonggang, bongga!” he said.

Kinilig naman kami when he said na hindi niya raw kayang mabuhay nang wala si Pauleen, “Oo naman. Kasama siya sa araw-araw na buhay ko.”

Ilang taon na ring magkarelasyon ang dalawa at tahimik naman ang kanilang pagsasama.  Ang tanong na lang kung pakakasalan pa ba ni Vic si Pauleen? Kayo dear BANDERA readers, what do you think?

Read more...