TRUE ba na marami ang naimbiyerna kay Anne Curtis nang mag-concert siya kamakailan sa Cebu dahil feeling ng audience ay na-shortchange sila sa ginanap na show ng TV host-actress?
The chismis goes like this: ilang kanta lang daw ang inawit ni Anne at mas marami pa raw songs ang kinanta ng isang impersonator.
Actually, if rumors are to be believed, may three songs pa raw na dapat i-perform si Anne kaya lang ay umayaw na ito.
Super exhausted na raw ang hitad at hindi na niya carry na kumanta pa.
In our last interview with Anne ay sinabi nga niyang she can’t do concerts anymore.
Sabi niya ay sobra siyang napagod sa major concert niya sa Araneta Coliseum.
Hingal to death nga raw siya after the show kaya naman nakiusap na siya sa kanyang producer at manager na hindi na siya gagawa ng concert ever.