Angeline ayaw munang dyowain si Erik: Natatakot po akong mabuntis!

angeline quinto
Kaya pala ayaw pang sagutin ni Angeline Quinto si Erik Santos ay dahil natatakot siyang mabuntis agad-agad. Nadulas kasi ang Kapamilya singer-actress habang iniinterbyu nina Kris Aquino at KC Concepcion sa episode kahapon ng Kris TV.

Tanong kasi ni Kris kung ano ang pumipigil sa kanya para makipag-boyfriend kay Erik e, umamin na silang mahal nila ang isa’t isa. Sagot ni Angge, ayaw niya raw kasing mabuntis agad. Kaya naman ang balik-tanong sa kanya ni Tetay, “Bakit buntis agad?!

Hindi ba pwedeng holding hands muna?” Tawanan ang lahat sa studio dahil sa naging reaksiyon ni Angeline na tila nabigla rin sa kanyang naging sagot.

Pero inamin naman ng singer na tinanong na siya ni Erik kung gusto na niyang pumasok sa isang seryosong erlasyon sa pamamagitan ng text, pero tumanggi siyang magdetalye pa.

Kahit anong pilit ni Kris sa kanya na sabihin kung ano ang text message ni Erik ay hindi talaga sumagot si Angeline.

Read more...