Karla: Hindi ako sugarol, at wala kaming bisyo ni Daniel!

karla estrada
Siniguro ni Karla Estrada na walang nasasayang o nawawaldas na pera mula sa kinikita ng anak niyang si Daniel Padilla. Ito’y matapos ngang kuwestiyunin ng ilang tsismosa ang paghahawak ni Karla sa pera ng anak.

Sey ng aktres, alam lahat ni Daniel kung saan ginagastos ang kinikita niya sa pag-aartista, “Plantsado naman ang lahat, pero hindi pare-pareho, kasi hindi naman fixed ang kita. Bukas naman sa kanya, kung saan napupunta.

“Hindi naman ako materyoso, hindi naman ako sugarol, wala naman kaming bisyong dalawa. Ang bisyo namin ay mag-travel lang talaga. Si DJ hindi ‘yan humihingi ng pera. Hindi siya yung, ‘Ma, pahingi ng pera.’ Hindi siya ganu’n.

“Pero halimbawa, may show ‘yan abroad, binibigyan ko ‘yan ng sarili niyang pera. Hindi mo kailangang pigilan kasi pinaghirapan niya yun, e.

Andu’n ka lang para isaayos ang lahat, at saway-sawayin siya kapag nag-o-over,” paliwang pa ni Karla.

Read more...