Paglipat ni John Prats sa GMA isang maliwanag na ‘SUICIDE’

john prats
EVERY now and then ay may natutunghayan tayong lipatan-blues amongst the stars in our business. Iba-iba ang naging epekto nito sa kanila. Yung mga umalis ng ABS-CBN at lumipat noon sa TV5 like Sharon Cuneta and Derek Ramsay ay medyo nahirapang umangat.

Yung mga lumipat naman from GMA to ABS-CBN ay nagsiliparan ang pakpak – umangat nang sobra-sobra. Pero may mga nakakapansing pag umalis daw ang isang artist sa ABS at lumipat ng ibang network ay humihina ang drawing power.

Bakit daw ganoon? Ibig bang sabihin nito ay talagang bongga pag nasa ABS-CBN ka? Outright kong sasabihing YES. Kasi nga, iba mag-alaga ng artists ang Dos. Nabibigyan nila ng malawak na exposure ang talents nila.

Mahusay ang namamahala ng mga artista riyan lalo na ang Star Magic na pinamununuan nina Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole Alberto. Kahit may mga hitches din sa kanila once in a while, they’re still on top of the board.

Yung Artist Center kasi ng GMA ay medyo mahina sa promo. Medyo loose pa sila in terms of placement ng kanilang mga artists sa kanilang network, or maybe kulang sila ng think-tanks that could put their artists sa itaas.

Kulang sila sa shows na paglalagyan sa kanila – wala silang Deo Endrinal, Malou Santos, Johnny Manahan — na magaling sa talent management and show productions.

We have brilliant friends sa GMA 7 pero hindi nila kakayanin ang matinding teamwork sa Kapamilya network. Hindi puwede ang pabandying-bandying sa Dos.

Anyway, going back to this item, balita kasing lilipat na rin si John Prats, isang homegrown artist ng ABS-CBN, sa GMA dahil he felt na parang wala namang nakalatag na career plan ang network para sa kaniya should he renew his contract with them.

Wala namang if John feels na wala siyang choice kundi ang maghanap ng ibang tahanan kung sa tingin niya ay wala namang kasiguraduhan ang pag-stay niya if he’ll just the same old things.

Naghahanap siya ng ibang projects siguro and normal iyon but you know, nasa artista rin iyan. Kung sa work meron naman sigurong work available for each one – it’s just that, obligasyon din dapat ng artist ang manatiling interesante sa kaniyang merkado.

Hindi dapat nag-stay si John ng ganoon-ganoon lang. He should have reinvented himself from time to time para manatili ang excitement ng network to retain him.

Kaso nga lang, aside from dancing like a dynamite and konting patawa sa Banana Nite, parang hindi na nag-grow as an artist si John Prats. Humina ang visibility niya and marketability – hanggang sa hindi na siya nabibigyan ng tamang pansin ng network.

Alam niyo naman ang labanan sa Dos, you fight with the world. Kaniya-kaniyang eksena sila. Plus the fact that John is not a bida-material talaga kahit guwapo, may kaliitan kasi siya kaya limited ang mga puwede niyang gawing papel sa movies or TV dramas.

“Suicide ang gagawin ni John na paglipat sa GMA. If he leaves ABS-CBN, lalong hihina ang popularity niya,” anang isang observer.

Depende rin siguro. Baka iyon ang akala ng marami pero who knows? Baka sa Siyete mabigyan ng mas malaking break si John. Good luck na lang iyo, John. Mwah!

Read more...