NAGUGULUHAN si Mariel Rodriguez. Nagtatalo kasi ang utak niya kung magpapabuntis na kay Robin Padilla o maghihitay pa siya ng ilang taon bago sila magplanong magka-baby.
Maglilimang taon na silang mag-asawa ni Binoe, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak, pag natatanong ang aktor tungkol dito, ang lagi niyang sinasabi, gusto raw muna nilang i-enjoy ni Mariel ang isa’t isa dahil mahirap na raw kapag meron na silang baby.
Nang muling matanong ang TV host-actress tungkol dito ang naging tugon niya, “Hindi pa siguro… pero siguro. Kasi may mga times na nag-iisip ako na, ‘Sige na nga. Gusto ko.’
“Tapos may mga times na, katulad niyan, yung isang ate ko nanganak. So, hinawakan ko yung bagong baby, inamoy ko, ang bango nung baby. ‘A, parang gusto ko!’
“Right nu’ng araw na yun, sinabi ng ate ko na samahan ko yung isa niyang anak, may ballet, so pinuntahan ko sa bahay, sinundo ko. E, nag-tantrums. Hindi ko alam ano’ng gagawin ko. Ay, sabi ‘ata ni Lord, ‘A, gusto mo ba talaga?’
“So, after nu’n, sabi ko, ‘Ayoko na po ulit.’ Kasi one day, that same day, so parang feeling ko, ‘di ko pa alam, hindi ko pa alam ano’ng gagawin ko kapag nag-tantrums.”