Dennis Padilla bawal pumunta sa debut ni Julia Barretto

dennis padilla
Turning 18 na pala si Julia Barretto and this early ay pinaghahandaan na ang kanyang pasabog na debut party. Na-sight namin sa social media ang mga punong-abala sa kanyang bonggang party.

Imagine, four months daw ang preparation for her 18th birthday. Bongga siya, ‘di ba? Sa March 10 pa pala ang birthday ng hitad pero ngayon pa lang ay talagang pinaghahandaan na nang bonggang-bongga ang celebration.

It would be interesting to know kung sinu-sino ang invited sa party ni Julia. Will she invite her father Dennis Padilla na balitang masamang-masama ang loob sa kanya? Malamang, hindi dahil tiyak hindi papayag si Marjorie Barretto.

Hindi ba’t may balita na nagkaroon ng encounter ang former couple sa wake ng nanay ni Raymart Santiago? Invited din kaya si Julian Ejercito matapos nitong aminin na he and Julia were a couple for six months?

Ang kampo kasi ni Julia, tila gusting ipabawi ang nasabi ni Julian. Ano sila, sinusuwerte? Ang mga artista talaga, papasok sa isang relasyon pero hindi mapangatawanan.

Bakit hindi niya maamin na naging dyowa niya si Julian? Naku, Julia, don’t COMMIT to what you can’t ADMIT. Intiende?

Read more...