Tom pinarusahan matapos magwala sa dressing room

tom rodriguez
GRABE palang magalit si Tom Rodriguez.

Nagwawala raw pala talaga ito kapag matindi ang galit. As reported by a website known by and large for depicting celebrities in their unguarded moments, si Tom ang hula ng marami na nagwala sa loob ng kanyang dressing room nang tuksuhin siya ng father ng kanyang lady love.

Nagbasag daw ng plato at table ang actor at hinagis daw ang sapatos sa isang staff. Nagulat, na-shock at naloka nga raw ang production staff dahil sa kanyang ginawa. Hindi raw nila akalain na ganoon katindi magalit ang actor.

Now, the question is, ano naman kaya ang reaction ng sinasabing dyowa ng actor na si Carla Abellana? Hindi ba siya na-shock, o nagulat man lang sa tindi ng reaction ng kanyang dyowa sa encounter nito sa kanyang ama?

Bakit, ano ba ang sinabi ni Rey PJ Abellana para magalit nang husto si Tom sa kanya? At bakit hindi niya hinarap si Rey nang lalaki sa lalaki?

With that story ay malaking bagay ang nawala kay Tom. Ang akala kasi ng marami ay very gentleman siya pero sa konting panunukso lang pala sa kanya ng tatay ni Carla ay magagalit na siya nang todo-todo.

Actually, nagdenay na si Tom about this, never daw siyang nagwala while working. Pero ang chika, pinarusahan na raw ng management si Tom. Kung ano ang sanction na ginawa nila, sila lang yata ang nakakaalam.

Or, pwede ring may gusto lang manira kay Tom dahil sikat na siya ngayon.

Read more...