Horoscope, November 12, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging maligaya ang birthday mong ito kung magsusuot ka ng red. Sa pag-ibig, hindi makakatanggi ang minamahal kapag naka-red ka na underwear. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng pera habang ikaw ay nakapula. Mapalad ang 3, 6,  27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Bukod sa red buenas ang pink.

Aries – (Marso 21-April 19) –    Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at blue ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20) –       Ngayon pa lang paghandaan na ang kapaskuhan. “Operation Malawakang Paglilinis” ang dapat na ipatupad. Sa pag-ibig, kapag malinis na malinis na ang paligid puwede na uling magpahinga at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 7, 9, 19, 24, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Om.” White at pink  ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –    Sa dagdag na inobasyon sa lahat ng gawain ay mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan upang muling sumigla ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –   Isang nilalang na nasa abroad ang makakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandaang walang malayo at malapit sa mga pusong nagmamahalan. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.

 Leo – (July 23 – August 22) –             Kailangang magkaroon ng sariling career. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo kaya kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mapag-init. Yayain ang kasuyo sa isang pribadong lugar na malamig ang paligid. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Silver at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –     Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Magtabi muna ng savings bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na magbukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –    Mga di inaasahang pangyayari ang magaganap! Isang Aquarius ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong mabuti at magpalit ng underwear! Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –  Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sikreto ng pagyaman kundi ang pagiging mabait!  Sa pag-ibig, wag pahindian ang mga mahal sa buhay dahil ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag magpaabala sa lipuna, sa halip ay magpatuloy ka lang nang magpatuloy upang lalo pang lumago  ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anuman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw. Sa bandang huli may kaligayahang naghihintay. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –    Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Habang nagsisikap, tuloy-tuloy na madodoble at lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)  – Wag kimkimin ang sama ng loob. Kapag itinago ang galit ay bigla iyang sasabog na makakaapekto sa iyong negosyo at career. Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong makulit. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45.  Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Orange at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) –    Tama ang iniisip mong lumayo muna sa lipunan. Gastos lang ang mapapala sa pagsali-sali sa kung anu-anong gimikan. Sa pag-ibig, imbes na makipagsosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal at sa pamilya. Mapalad ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Read more...