Sulat mula kay Carmela ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang buwan na pong hinidi umuuwi ang mister ko mula nang madestino siya sa malayong lugar ng Mindanao. Isinama po siya ng amo niyang ahente ng mga lupa at hanggang ngayon ay wala akong balita sa kanya. Tine-text ko naman po siya pero hindi siya sumasagot. Kinakabahan ako na baka sumama na siya sa babae niya. Dati po kasi siyang nambabae, pero sabi nya sa akin bago sila umalis ng amo niya ay wala na raw po sila ng babae niya. Sa ngayon ay kinakabahan talaga ako na baka hindi niya na ako balikan. Pinuntahan ko naman po ang bahay ng amo niya at nakausap ko ang amo niya at ang sabi sa akin ay may inaasikaso pa raw sa Mindanao ang asawa ko. Pero parang pinagtatakpan niya kasi alam niyang may babae ang asawa ko at kasapakat po siya nito sa pag-gawa nila ng kalokohan. Ano po ba sa palagay n’yo? Ano po ba ang nakikita n’yo sa aking kapalaran, babalik pa kaya ang asawa ko o tuluyan na siyang sumama sa dati nyang kerida? February 25, 1979 ang birthday ko at July 11, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Carmela ng Talaba,
Bacoor, Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad at ito ay hindi naman nabaluktot, sa halip patuloy na gumanda at maayos ang pagkaka-guhit ng nasabing Marriage Line. Ibig sabihin, hindi ka dapat kabahan dahil ang kaisa-isang magandang guhit ng Marriage Line ang nagsasabing hindi kayo magkakahiwalay na mag-asawa kahit na matagal na siyang hindi umuuwi.
Cartomancy:
Six of Clubs, Ten of Hearts at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing wala kang dapat na ipag-alala dahil nakatakda na ang magaganap. Kahit nambabae pa ang mister mo ay mananatiling matatag at buo ang inyong pamilya habang buhay.
Itutuloy
Babalik pa ba ang lumayas na asawa?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...