Alaska llamado laban sa Kia

alaska aces
Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Kia Sorento vs Alaska Milk
7 p.m. Meralco vs
Talk ‘N Text

Team Standings: Alaska (4-0); Barangay Ginebra (4-1); San Miguel Beer (4-1); Meralco (3-1); Globalport (3-2); Rain or Shine (3-2); Talk ‘N Text (2-2); NLEX (2-3); Purefoods Star (1-3); Kia (1-4); Barako Bull (0-4); Blackwater (0-5)

MATAPOS na maghari kontra sa apat na ‘heavyweights’, inaasahang walang hirap na maigugupo ng Alaska Milk ang expansion ballclub Kia Sorento sa 2014-15 PBA Philippine Cup mamayang alas-4:15 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-7 ng gabi ay makakaharap ni coach Norman Black ang kanyang dating koponan sa salpukan ng Meralco at Talk ‘N Text.

Ang Aces ay galing sa mahirap na 66-63 panalo kontra sa San Miguel Beer at siyang tanging koponang hindi pa nababahiran ng kabiguan ang record sa apat na laro. Tinalo rin nila ang Purefoods Star (93-73), Talk ‘N Text (100-98) at Meralco (105-64).

Matapos namang magwagi sa kanilang opening game kontra sa kapwa expansion franchise Blackwater Elite, ang Kia Sorento ay nakalasap ng apat na sunod na kabiguan, ang pinakahuli’y ang 85-62 pagkatalo sa Talk ‘N Text.

Read more...