Matt: Di kabawasan sa pagkalalake ko ang pagso-sorry!

matt evans
NAKARINIG na kami noon ng balita na nagsigawan ang Kapamilya actors na sina Matt Evans at Aaron Villaflor sa taping ng seryeng Pure Love.

Nagtanong kami tungkol dito pero walang makasagot sa amin, wala rin kaming cellphone numbers ng dalawang aktor. Mabuti na lang at nagkaroon ng finale presscon ang Pure Love kaya natanong sa kanila ang tungkol sa isyu.

Ayaw na sanang magkuwento ni Matt dahil okay na naman sila ni Aaron, “Nagkasabay-sabay kasi yung tensiyon at init ng ulo sa taping kasi nagmamadali na kami kasi for airing na ‘yung eksena, tapos tirik ang araw, wala pang lunch.

“Doon lang sa blocking lang talaga. Wala nang tensiyon sa amin. Hindi lang talaga namin alam bakit ganu’n kabilis na parang pati sina Direk nagtataka na bigla kaming nag-flare up na dalawa,” paliwanag ni Matt.

Unang pagkakataon ni Matt na magkaroon ng kaalitan na kapwa artista at higit sa lahat, matagal na niyang kasama si Aaron, noong Pedro Penduko days pa na unang serye niya after ng PBB.

Inamin ni Matt na siya mismo ang umayos sa gusot nila ni Aaron dahil kinabukasan ay nag-usap na agad sila, “Normal lang naman na nangyayari yun sa mga sitwasyon. Pero okay na kami ni Aaron parang kapatid ko na Rin ‘yan.

“Kinabukasan noon, nu’ng nag taping kami, parang wala lang ding nangyari. Kami pa ba (ang mag-aaway) e simula nu’ng Pedro pa lang, book 1 & 2, magkasama na kami. Sabay sabay kami nag-grow dito sa industry,” sey pa ng aktor.

“Ako na rin mismo ‘yung nagbaba ng pride ko kasi hindi naman kabawasan ‘yun sa pagkalalake ko, ‘yung paghingi ng sorry. Pinag-usapan namin agad.

“Pagpasok pa lang, sa set pa lang tapos first scene magkaeksena kami, sa tent pa lang, doon pa lang agad, nagyakapan na kami, nag-sorry na agad.

Hindi na pumasok ‘yung pride kasi alam naman namin na walang dahilan para pa tumagal,” kuwento ni Scheduler sa Pure Love.
Samantala, ending na sa Biyernes ng Pure Love at kung hindi magbabago ay ngayong araw ang last taping day nila.

Read more...