Maegan sinisi pa, nakarma dahil sa pambabastos kay Ka Freddie

maegan aguilar
Ngayon lang kami nakarinig ng mga komentong hindi kagandahan tungkol sa isang taong sinaktan na nga nang pisikal.
Sa halip na pagkaawa ay bakit ganu’n, marami pang nagsasabing mabuti nga kay Maegan Aguilar ang nangyari sa kanya, karma raw ang tawag sa inabot niya.

Kung matatandaan ay naging alibughang anak si Maegan nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang musikerong amang si Ka Freddie.

Lahat ng mga salitang hindi inaasahang masasabi ng isang anak lang sa kanyang magulang ay lumabas sa bibig ni Maegan, literal niyang binastos ang kanyang tatay, galit na galit sa kanya nu’n ang sambayanan.

Pagkatapos ng ilang buwan ay heto na si Maegan, nakunan ng retratong nakasakay sa wheelchair, bali-bali raw ang mga buto dahil sa pambubugbog ng kanyang ka-live-in na si Ali.

Madalas na raw nitong binubugbog ang anak ni Ka Freddie, hindi lang nagpapa-blotter si Maegan, pero matindi na raw itong pinakahuling pangyayari.

Pero nakapagtataka, sa isang panahong dapat ay nakikisimpatya na ang mga kababayan natin sa kanya ay iba ang maririnig nating komento, mabuti raw ang ganyan para malaman ni Maegan Aguilar ang kanyang mga ginawa sa tatay niya.

Karma raw ang tawag diyan. Pampagising sa mga nakalilimot.

Read more...