Horoscope, November 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Malapait ang pasko. Sa pinanasyal may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masayang relasyon hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Green  at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo.  Sa mga mababait at walang kibong nilalang  ka makipag-transaksyon. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na kayumanggi at medyo kulot ang buhok, sa  kanya ka makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”

Taurus – (April 20-May 20)—Walang ibang tutulong sayo para umunlad kundi ang sarili mo rin. Sa pinansiyal, magsimula ka ng magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang maasahan sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang masipag na Capricorn. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas-Om.” Gray at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap.  Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Ratha-Om.” Violet at  maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag katamaran ang kasauluyang ginagawa. Doblehin mo pang lalo ang pagsisipag upang madoble din ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pakikipagbolahan sa kasuyong Scorpio.  Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya-Om.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang magtaray! Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung lagi kang galit at mainitin ang ulo, lalo kang papangit. Ngiti ang susi upang lumigaya sa pag-ibig. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Upang maging lubos ang ligaya moderasyon ang dapat. Wag ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ilaan ang libido sa malamig na Disyembre.   Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mag hanap ng mga taong magaganda at simpatiko. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig kung sa isang maganda o sa isang guwapong nilalang ka makikipag-relasyon, mas masarap na pag-ibig ang makakamit. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Maging kampante at ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at pagyo-yoga ang magpapasulak ng iyong libido upang makarami ka. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Wag sarilinin ang problema. Kung hindi ka lalapit sa isang kadugo o kapamilya, paano mo malulutas ang iyong suliranin? Sa pag-ibig, wag dayain ang puso, aminin mo ng mahal mo ang isang Leo! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Veda-Jahura-Om”. Yellow at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Kung lalakasn mo lang ang iyong loob, siguradong ikaw ay yayaman. Sa pag-ibig, tapang ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi – ayain siya sa isang pridabong silid. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay sa  ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin – mapalad ka sa isang Gemini. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Na-Me-Om”. Violet at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad at lumigaya. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng “isanglibong-piso” kada buwan upangmakaipon ka. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.

Read more...