Inigo Justin Bieber ng Pinas
NAPANOOD namin ang intebryu kay Iñigo Pascual sa The Buzz last Sunday. In fairness, mukhang mabait at may breeding talaga. Magalang ding sumagot at makikita mong nagsisikap siya na magsalita ng Tagalog during the interview.
Sinilip namin ang social media account ni Iñigo at super updated ito, huh! Kita sa mga post niya na super love niya talaga ang showbiz. E, ‘di naman kataka-taka dahil nasa dugo niya.
Tulad ng kanyang ama na si Piolo Pascual, passionate talaga sila sa pagpe-perform. Gustung-gusto rin ni Iñigo na ini-intebryu siya gaya sa The Buzz. Sabi nga niya, dream come true para sa kanya ang guesting niya sa naturang talk show.
Malapit na kasi ang showing ng first ever movie niyang “Relaks It’s Just Pagibig” ng Spring Films at Star Cinema, sa Wednesday na ito magso-showing.
At excited na raw ang bagets sa premiere night ng movie nila, “I’m excited and nervous but it’s a great feeling to know that after the long wait it’s finally going to be shown.”
Ngayong gabi ang premiere night ng pelikula na tiyak magiging star-studded. Balita nga naming, now pa lang nagkakahirapan na sa tiket for the event, huh!
Of course, pawang high-profile ang mga magulang ni Iñigo at ng co-star niya sa movie na si Julian Estrada at sandamakmak na relatives nila.
Tiyak nandoon si Piolo na isa rin sa mga producer ng movie at nagsabi na rin daw ang lolo ni Julian na si former President and now Manila Mayor Joseph Estrada na pupunta siya sa premiere night ng “Relaks.”
For sure, nandoon din ang mother ni Iñigo na si Donna Lazaro na naging non-showbiz girlfriend ni Papa P. Kabi-birthday lang ng mom ni Iñigo at sa kanyang social media account nagbigay siya ng mensahe para sa tanging babae sa buhay nya.
Ito ang post niya for his mom, “HAPPY BIRTHDAY to my most special girl in my life! I love you mom! I don’t need to write those long letters here on ig. You know how much I appreciate you mom.
I love you so much HAPPY BIRTHDAY. Your finally 19!” Malaking bagay ang mommy ni Iñigo sa kanyang paglaki. At kung bakit super nice ang personality ng bagets na mapapansin din sa kanyang social media account.
Ang dami niyang picture with showbiz stars na nakakasama niya at may mga tawag siya sa kanila. Like si Anne Curtis na tinawag niyang Babe. Si James Reid as Justin Timberlake of the Philippines.
Habang si Iñigo naman ay tinatawag na Justin Bieber ng Pilipinas ng kanyang fans. Meanwhile, mukhang ‘di lang sila basta MU ng leading lady niya sa “Relaks It’s Just Pagibig” na si Sofia Andres.
Base kasi sa mga post ni Iñigo na mga “something-something” na gift sa kanya ni Sofia means very special to him. Anyway, malakas makakilig ang trailer pa lang ng first movie ng binatilyo ni Piolo.
Noong una pa lang namin napanood ang trailer nito na-excite na kami na panoorin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

