Mary Christine bigo, hindi nakuha ang gusto kay Derek

derek ramsay
Maayos na ang personal na buhay ngayon ni Derek Ramsay mula nang magkasundo sila ni Mary Christine Jolly. Hndi naman naaapektuhan ng kanyang problema ang trabaho niya pero ayon sa kanyang mga kasamahan ay mas kitang-kita ngayon ang kapanatagan ng kanyang kalooban.

Napakatindi ng naganap, nawasak nang husto ang imahe ni Derek kung tutuusin, mabuti na lang at may puhunang magandang pakikisama at kredibilidad ang hunk actor.

Ngayon ay malaya na niyang nahihiram ang kanyang anak na si Austin Gabriel, nu’ng minsan nga ay may nakakita pa sa kanila habang nagsi-shopping sa isang car shop, mukhang magmamana sa kanyang ama ang teenager sa pagkamahiligin sa sasakyan.

Ang nangyari kina Derek at Christine Jolly ay isang magandang ehemplo ng isang literal na giyerang nauwi sa pagkakasundo. Hindi man nakuha ng babae ang kanyang gusto dahil nagmatigas ang hunk actor ay nagkita pa rin sila sa gitna.

Iba nga naman ang presensiya ng anak sa mga ganitong problema, ang palaging nangingibabaw ay ang kapakanan ng anak, hindi ang kung ano’ng gustong mangyari ng magulang.

Nakakalungkot lang na sa mga unang salpukan ng magkabilang kampo ay nakaladkad pa ang kanilang anak. Nadamay nang walang pamimilian at kalaban-laban ang bata.

May utang na paliwanag sina Derek at Christine kay Austin Gabriel, mura pa ang pag-iisip nito ngayon, pero isang araw ay magtatanong na rin ang kanilang anak.

At kailangang paghandaan nila ang pagkakataong ‘yun.

Read more...