Umani ng papuri si Maxene Magalona sa kauna-unahan niyang Maalaala Mo Kaya noong Sabado ng gabi kung saan gumanap siyang nurse at aspiring rapper.
Pagkatapos ng programa isa ang hashtag “MMKNurseRapper” sa top three trending topic sa Twitter worldwide. Marami ang nakisimpatya at naka-relate sa pinagdaanang buhay ni Fatima Palma na nakilala nga sa social media dahil sa pag-e-entertain niya sa mga pasyente sa pamamagitan ng pagra-rap.
Ayon sa mga netizens isang “eye-opener” para sa gobyerno at madlang pipol ang latest episode ng MMK kung saan ipinakita nga ang tunay na kalagayan ng mga nurse sa bansa.
Nagpasalamat naman si Maxene sa lahat ng pumuri sa kanyang pagganap, “Thank you for all the wonderful comments about #MMK NurseRapper! I’ve read them all and I’m just so grateful! My heart is happy.”