Luis: Si Mommy laging nanghihingi sa akin ng apo!

By Ervin Santiago November 10,2014
share this

Luis: Si Mommy laging nanghihingi sa akin ng apo!

By Ervin Santiago November 10,2014
share this

luis manzano

AMINADO si Luis Manzano na pine-pressure siya lagi ni Gov. Vilma Santos – gustung-gusto na raw kasi nitong magkaapo. Kapag nagkakausap sila palaging apo ang hinihingi ng kanyang mommy sa kanya.

“Apo ang pressure ni Mommy, every time! Sabi ko, ‘Si Ryan [younger half-brother of Luis] na muna.’ Kay Ryan na muna humingi.
“Pero every single time, si Mommy, si Tito Ralph (Recto), pini-pressure ako.

Kasi, for example, yung isang kaibigan ko dala yung anak niya du’n sa party ni Mommy. ‘O anak, o!’ Tinuturo yung bata. ‘Pahingi ng apo na!’” sey ni Luis sa isang interview.

Sa isang showbiz event, muling natanong si Luis at ang girlfriend na si Angel Locsin kung ano na ang latest sa kanila, totoo bang engaged na sila pero inililihim lang nila ito sa madlang pipol? Sagot ni Angel, “Kasi ine-expect niya (Luis)  ako yung magpo-propose sa kanya. So pini-pressure niya ako!”

Hirit naman ni Luis, “Naghihintay lang ako. Yun lang.” Pero ayon kay Angel, excited na rin siya sa usaping kasal,  “Well, napag-uusapan namin pero hindi pa naman seryosong usap talaga.

Siguro ‘pag masaya naman kayo sa isang relationship napag-uusapan niyo talaga na, ‘O, ‘pag mag-asawa na tayo ganyan ganyan.’ So kasama talaga siya.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress, napaka-lucky niya dahil mabait sa kanya ang pamilya ni Luis at suportado ng mga ito, lalo na ni ate Vi, ang relasyon nila ni Luis, “Bilang girlfriend napakasuwerte ko.

Halos lahat naman siguro ng babae gusto nila na okay sila ng magulang (ng BF).“Napakasuwerte ko dahil napakabait sa akin ni Gov, ni Tito Ralph, at pati si Tito Edu (Manzano).

Ang suwerte-suwerte ko lang talaga kung gaano kabait sa akin ng pamilya ni Luis talaga at ang dami ‘kong natututunan sa kanila,” sey pa ni Angel.

Wala rin daw masabi ang aktres sa ugali ni Luis, “Mabait naman ito, e. After namin na maghiwalay ‘tapos nagkabalikan kami, mas okay lahat. As in okay lahat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending