SA solo presscon Jericho Rosales para sa indie movie niyan “Red” na entry sa Cinema One Originals Film Festival na idinirek ni Jay Abello tinanong namin kung malalampasan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tagumpay nila ni Kristine Hermosa sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.
“Malamang, kasi ang lakas-lakas ng loveteam nila, di ba? In fact, ang lakas ng support cast nila, nabalitaan ko ‘yung ibang cast kung sino ‘yung mga gaganap, eh.
Tapos mas i-intensify nila ‘yung story, binigyan nila ng ibang (version), so maganda, kaya excited ako,” tugon ni Echo. Pabirong sabi ng aktor na payag siyang mag-cameo sa Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel, “Kung tatawagan nila ako, at okay ang role, game ako diyan.
Parang cameo role talaga na dumaan lang o magsasaka ako ro’n.” Samantala, hindi naman itinanggi ni Jericho na napag-uusapan daw nila ng handler niyang si Allan Real si Kristine, “Parang ano lang, ‘kumusta na kaya si Kristine?’ Sabi nga she just gave birth, di ba?’
Kung mayroon talagang napaka-interesting na project na talagang feeling ng mga tao na gusto nilang panoorin, why not,” sagot niya kung magkakaroon sila ng reunion project ni Tintin.
“Siyempre gusto kong makasama si Kristine ulit, maraming nagre-request. Hanggang ngayon nga, dami nagsabing, ‘sige na gumawa kayo ng project, parang mga minions namin, eh.
So mahal namin sila (followers) kaya sabi ko, sige iisip ako ng project,” kuwento ng aktor. Ang tanong, papayagan kaya ni Oyo Sotto ang asawa na bumalik sa showbiz at okay ba talaga sila ni Oyo? “Batian lang, ganu’n lang,” sambit ng aktor.
Gong back to “Red”, matitindi pala ang love scene rito nina Echo at Mercedes Cabral kaya ang tanong ng marami, paano napapayag ang aktor na gawin ito dahil sa pagkakatanda namin, ayaw niya sa mga ganu’ng tema.
“Well, there are two things to consider, number one is my conviction and number two is, of course, the people na responsable ako. So, kapag tumanggap ako ng pelikula, ang limitation ko is kung gagawa tayo ng bagay na hindi naman angkop sa mensahe mo.
“Noong kinausap ako ni Jay, sabi niya, ‘Ano ‘to, bro, panglalaki, makikita mo may violence siya, may action siya, pero may love story.’ Kapag sinabing ganu’n, okay, may love scene siguro, pero nandu’n siya sa story.”
“Ang only limitation ko is kung gagamitin mo ang isang kissing scene o love scene para lang pumunta ang mga tao sa sinehan. I’m not that kind of actor. I’m a messenger also, e, I’m a delivery boy, so kailangan nandu’n ka lang sa sinabi mo.
Kapag lumabas ka doon, ‘tapos na.” Kung ang ibang aktor ay nadadalian sa love scenes, iba si Echo, “ awkward lang kasi kapag sa love scene, so tawa lang kami nang tawa sa set. Iniisip kasi ng mga tao kapag love scene, parang madali lang.
“For us, mahirap siyang gawin, kasi kailangan artistic ang paggawa mo. Tapos may love, may feeling, mainit, hindi siya perfect, like, sa mag-asawa. Nakakailang din kasi may nakikinig sa labas, may gustong mamboso, yung mga ganun na hindi mo naman alam,” kuwento ni Jericho.
Ano naman ang naging reaksyon ng asawang si Kim Jones, “Kim is the most supportive wife ever!” mabilis na sagot ng aktor. Basta sabi niya, ‘Umuwi ka na ‘tapos mag-love scene tayo.'” Tawanan naman ang press sabay dialogue ni Echo ng, “puwede na akong mag-joke ng ganu’n kasi may asawa na ako.”
Pati ending ay nahirapan ding gawin ni Echo dahil, “yung dulo na eksena, sabi ko kay Jay (direktor), ito yung isa sa pinakamahirap na eksena na ginawa ko sa lahat.
Of course, with the (Ilonggo) accent, with the emotions, iba siya, e. Kasi, malayo siya sa akin, so iba siya. Puwede ko rin sabihin na may pagka-fictional, parang hindi totoo pero totoo, sobrang unique niya na tao.”
Anyway, mapapanood na ang “Red” mula Nob. 9-18 sa Trinoma Cinema, Fairview Terraces, Glorietta at Greenhills Dolby Atmos Theaters. Bukod kina Echo at Mercedes ay kasama rin sina Mylene Dizon, Bibeth Orteza, JM Rodriguez, Nico Antonio at marami pang iba.