Miss Butuan gustong makahalikan si Coco Martin

coco martin
MALALAMAN ngayong hapon kung sino sa 27 kandidata ang mananalong Miss Silka Philippines 2014: Gandang Pilipina, Kutis Alagang Silka na gaganapin sa Activity Center ng Market Market sa The Fort, Taguig City mula sa Cosmetique Asia at Cornerstone Events.

Rumampa ang mga kandidata kamakailan sa ginanap na press presentation at ilan nga sa kanila ay nakausap namin sa ginawang question and answer. Narito ang mga maglalaban-laban ngayong gabi para sa Miss Silka 2014.

Mula sa Mindanao: Juanna Cris Canto, Caraga, Butuan; Charina Barro, Cagayan De Oro City;  Ohnie Claros, Davao City; Princess Faye Fernandez, Tagum, Davao; Jessa Niah Eldian, Dapitan City; Fatima Kate Bisan, Saranggani Province; Rainalyn Capitle, Zamboanga City.

Mula naman sa Visayas: Aiko Takahashi, Bacolod City; Marian Grace Bantol Malubay, Bohol; Bianca  Wilhelmina Willemsen, Cebu City; Anke Schelling, Dumaguete City; Sigrid Grace Flores, Iloilo City. Sa South Luzon rarampa sina Jainil Corpus, Batangas City; Lyra Velchez, Bicolandia; Bianca Aragon, Cavite; Ajaylene Victoriano, Valenzuela City; Maria Monique Agus, Laguna; Kathreen Grace Ahorro, Puerto Princesa; Julee Anne Mae Cabrea, Quezon.

Mula naman sa North Luzon: Leslie Diego, Baguio City; Joanna Day, Bulacan; Joana Cielo Claravall, Cagayan Valley; Eidrian Balcita, Ilocandia; Patricia Anne Manaloto, Pampanga; Kim Basali, Pangasinan; Lovely Bulosan, Tarlac; at Kresna Jheng Galindez, Zambales.

Kuwento ng mga taga-Cosmetic Asianapasama sa TV ad ang nanalong 2010 Miss Silka kasama ang endorsers nilang sina Erich Gonzales at Iya Villania para sa probinsiyana concept. At ang nanalo naman daw noong 2010 ay napasama sa mga print ad, billboards at posters.

At dahil pampaputi ang nga ang nasabing produkto, tinanong ng media kung may dating maitim sa mga kandidata bago sila sumali sa pageant. Hindi naman naglihim si Ms. Zamboanga, “Hindi naman po masyadong maitim, kaso lang hindi ko ma-maintain ‘yung kutis ko kasi parati po akong nasa labas, kasama ako sa outreach program, sumasali po ako sa mga organization sa school.”

Sabi naman ni Ms. Bohol, “Ako po kasi parati po kaming nae-expose sa araw dahil sa outdoor games tapos, pumuti naman po ako at pantay na ang kulay ng kutis ko.”

Tinanong namin sila kung may pangarap din silang pasukin ang showbiz at kung sino ang pangarap nilang makasama sa project nila. Sabi ni Miss Bacolod, “If there’s an opportunity po that I can enter showbiz, I will grab it ‘coz once in a lifetime lang and hopefully I can meet my showbiz crush, Enrique Gil (leading man ni Liza sa Forevermore).”

“Kung may pagkakataon po ay gusto ko po dahil gustung-gusto kong maka-partner si Coco Martin, siya po ‘yung idol ko sa showbiz kaya showbiz dream ko po talaga lalo na kung mahahalikan ko siya, joke!” ani Miss Butuan.

Say naman ni Miss Baguio City, “Aside from representing my city in a national pageant, this is once in a lifetime opportunity. And if there’s an opportunity for me to be in showbiz, I will grab it and I will choose Piolo Pascual as my partner.”

Masuwerte si Miss Baguio dahil makikita niya nang personal ngayong hapon si Piolo dahil siya ang host ng pageant kasama si Gretchen Ho. Samantala, si Richard Poon ang manghaharana sa outgoing 2011 Miss Silka na si Vianca Marcelo kasama ang 2014 candidates.

Ang Cornerstone President at managing director ng event na si Erickson Raymundo kasama si Maricar Reyes ang tatayong chairman ng board of judges. Gustong pasalamatan ng Cosmetic Asia at Cornerstone ang Imperial Palace Suites, Datamex, Fashion Institute, Plaza Ibarra, Toda’y Water, Market Market at Ayala Malls sa pagsuporta sa proyektong ito.

Read more...