Sulat mula kay Maricor ng Buenavista, Alangalang, Leyte
Problema:
1. Masasabi ko pong isa na rin akong matandang dalaga sa ngayon dahil sa darating na December 16, 39 years old na ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na sa ngayon ay wala naman akong personal na boyfriend o karelasyon.
2. Meron akong BF kaya lang sa internet lang at hindi pa kami nagkikita. Kami na ba ang magkakatuluyan at kapag nagkita kaya kami hindi kaya magbago ang isip nya sa akin?
3. Hindi ko pala nasabi, ang BF ko pala sa internet ay isang Canadian citizen at malapit ng mag-isang taon ang aming relasyon.
Umaasa,
Maricor ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung isang Pisces, Leo o kaya’y Aries ang zodiac sign ng boyfriend mo sa internet na isang foreigner tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing kung ang boyfriend mong foreigner na nakilala mo sa internet o social media ay isinilan sa petsang 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, o kaya’y 31, compatible kayo na ngangahulugang kayo na nga ang magkakatuluyan at nakatakdang magkaroon ng isang maunlad at pang habang buhay na samahan.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at makarating ka sa ibang bansa, lagyan mo ng ng buntot na bilog ang letrang “y” sa iyong aplido at tapusin mo ang dulong bahagi ng iyong lagda, sa pasibat-paittas na stroke. Sa ganyang paraan, kahit na 39 na ang iyong edad, magkakaroon ka pa ng isang masarap na sexual life life at magkakaroon ng malusog at cute na mga anak.
Huling payo at paalala:
Maricor ayon sa iyong kapalaran, kahit 39 na ang edad mo sa kasalukuyan, siguradong makapag-aasawa ka, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na M. R. o .S., at ang nasabing pag-aasawa, sa pagdalaw dito ng foreigner na boyfriend mo ay nakatakdang maganap sa taong 2016 sa edad mong 41 pataas.
Foreigner ang mapapangasawa (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...