Nag-viral sa social media ang ilang video ni Kim Chiu nang mag-perform siya nang live sa Queen Elizabeth Theater sa Toronto, Canada bilang bahagi ng “One Magical Night” tour ng Star Magic artists.
“Babaan niyo lang ang expectation niyo, ah! Huwag masyado!” Ito ang pakiusap ni Kim bago niya simulan ang kanyang performance sa harap ng libu-libong mga kababayan nating nanood sa nasabing concert.
Kinanta ni Kim ang acoustic version ng “I’m Yours” ni Jason Mraz sa nabanggit na show kung saan halatang-halata ang kanyang nerbiyos. Nag-sign of the cross pa nga ang Kapamilya actress bago niya pinatugtog ang kanyang gitara.
Pero bago pa niya marating ang chorus ng kanta, biglang napatigil si Kim sabay dialogue ng, “Nawala ako!” Dito na nagsigawan ang audience at sinimulang mag-cheer para ipagpatuloy niya lang ang kanyang performance.
Pero kitang-kita na hiyang-hiya si Kim sa kanyang pagkakamali. In fairness, nakabawi naman si Kim hanggang sa matapos niya ang kanta, sumabay pa nga ang audience habang papatapos na ang kanyang production number.
Ayon kay Kim sa isang interview, hinding-hindi niya malilimutan ang experience niya sa Canada at ang napakainit na pagtanggap sa kanila roon ng mga Pinoy.
Nakasama niya sa nasabing show sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, John Lapus at Marcelito Pomoy.