MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po ay sumubok na sumulat sa inyo para humingi ng tulong tungkol po sa SSS ko.
Nag loan po ako noong ako ay nasa kumpanya pa noong taong 2005.
Nabayaran ko ito noong taong 2006 at may mga payslip ako dito para katibayan na kinakaltasan ako ng kumpanya pero noong nagresign ako at nagverify ako may utang ako sa naloan ko at may penalty na ako at ang kumpanyang pinasukan ko ay naibenta na ng may ari sa isang kumpanya na sila rin ang may-ari. Nagsimula ako sa Moonbake at nalipat ako sa Moondish.
Sinabi ko na rin sa may ari na ayusin nila yung SSS ko pero hanggang ngayon lumalaki na ang penalty ko hindi pa rin naaayos at ang isa ko pang problema yung sa kinakaltas nilang pag-ibig.
Pitong taon na po akong umi-extra sa construction kaya gusto ko sanang marefund yung nahulog ko pa magamit ko naman sa pagtatayo ng maliit na tindahan. Sana po ay matulungan ninyo ako para na rin sa
aking pamilya.
Juan M. Teanila
SSS # 33-2254673-1
Ang may ari ay sina ANARENEE MANRIQUE at RUFINO R.
MANRIQUE JR.
REPLY: Ito ay may kinalaman sa problema ni G. Juan M. Teanila ukol sa kanyang utang sa SSS.
Pinapayuhan natin si G. Teanila na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para makapaghain ng pormal na reklamo laban sa kanyang dating employer.
Kailangan lang siyang magdala ng mga payslip na nagpapakita na siya ay kinaltasan para sa pambayad sa kanyang loan.
Matapos ma-file ang pormal na reklamo, ang SSS na ang magsasagawa ng imbestigasyon ukol dito hanggang sa masingil ang mga dapat na bayaran ng kanyang employer sa SSS.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL
FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.