Foreigner ang mapapangasawa

Sulat mula kay Maricor ng Buenavista,
Alangalang, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Masasabi ko pong isa na rin akong matandang dalaga sa ngayon dahil sa darating na December 16, 39 years old na ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung  may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na sa ngayon ay wala naman  akong personal na boyfriend o karelasyon. Meron akong BF kaya lang sa internet lang  at hindi pa kami nagkikita.
Kami na ba ang magkakatuluyan at kapag nagkita kaya kami hindi kaya magbago ang isip nya sa akin? Hindi ko pala nasabi, ang BF ko pala sa internet ay isang Canadian citizen at malapit ng mag-isang taon ang aming relasyon.
Umaasa,
Maricor ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napadulo kapansin-pansing may malinaw paring Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin lang nito, kahit abutin ka pa ng edad 45, walang duda  makapag-aaasawa ka parin.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, King of  Diamonds, Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking may matatag na trabaho, halos hindi nalalayo ang edad mo sa edad niya, kaya lang ay hiwalay sa asawa nasa ibang bansa ang possible mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Itutuloy…

Read more...