May gera na sa abortion (sa wakas!)

SA wakas, nagkaroon na rin ng tunay na gera kontra abortion pills sa Quiapo, sa pangunguna ni Manila Police District director Chief Supt. Rodolfo Magtibay (ang pagluklok noon ni Magtibay ay kinontra pa ng maimpluwensiyang Manila’s Finest Brotherhood, saradong samahan ng mga pulis-Maynila).  Sunud-sunod na ang nahuhuling mga miyembro ng sindikato na nagbebenta ng pampalaglag, at ang huli’y apat pa.  Araw-araw ay kumikita ang sindikato ng mahigit P50,000 at matumal pa raw yan.  Kapag dumayo ang mga buyers, na nagmula sa probinisya, ay mahigit P100,000.  Sa paligid lang ng simbahan ito.  Napakalaking pera sa napakaliit na pilduras.  Pero, hindi lang naman sa Quiapo mabibili ang mga pampalaglag.  Meron ba sa inyo?

BANDERA Editorial, 092409

Read more...