Ayokong piliting magka-lovelife! bahala na si Lord!–Alex Gonzaga

ARJO ATAYDE AT ALEX GONZAGA

ARJO ATAYDE AT ALEX GONZAGA

FEELING ko mas lalo pang namayat si Alex Gonzaga! Nakakaloka ang bewang ng sisteraka ni Toni Gonzaga nu’ng makita namin sa farewell/thanksgiving presscon ng teleserye niya sa ABS-CBN na Pure Love na malapit nang magbabu sa ere.

Sabi nga namin sa kanya, parang hindi na siya kumakain dahil super sa liit ng kanyang bewang. Kitang-kita pa ang kapayatan ni Alex sa suot niyang tube dress nu’ng gabing ‘yun.

Anyway, sa nalalapit na pagtatapos ng Pinoy version ng Koreanovelang Pure Love na pinagbibidahan nina Alex, Yen Santos, Joseph Marco at Arjo Atayde, inamin nilang sobrang lungkot ang nararamdaman nila ngayon dahil tiyak na mami-miss nila ang bawat isa, parang pamilya na rin daw kasi ang turingan nila kapag magkakasama sila sa taping.

Pero ang isa sa mga tumatak na eksena sa press ay nang amin ni Arjo na hindi pa rin nawawala ang pagkagusto niya kay Alex kahit matatapos na ang serye nila. Kaya natanong ang binata na nag-celebrate nga ng kanyang birthday noong Miyekules, kung wish din ba niyang mapasagot na si Alex. Ang matipid na sagot ng anak ni Sylvia Sanchez ay, “Can be.”

Kaya sa hiwalay na interview kay Alex, tinanong siya ng entertainment reporters kung itinuloy na ba ng kanyang ka-loveteam ang panliligaw sa kanya, tugon ng TV host-actress, “Hindi ko kasi alam kung nanliligaw, pero ito kasi, habang ginagawa namin (ang Pure Love), parang hindi naman.

“Ewan ko, kasi parang ipinapakita niya hindi ko alam kung may meaning, kasi nga mabait talaga siyang tao, mabuti siyang tao,” chika pa ni Alex.

E, ano naman ang comment niya sa birthday wish ni Arjo na sana ay maging sila na? “Hayaan na lang muna natin na mag-wish siya nang ganu’n. Kasi mamaya hindi naman pala niya talaga ako nililigawan, mag-feeling naman pala ako.”

Pero nagpapasalamat siya sa binata dahil naging mabuting kaibigan naman daw ito sa kanya, “Arjo kasi he’s very nice talaga.Pero napansin ko kasi sa lahat ng tao, same lang kasi ang trato niya.

“Arjo as a person, he’s really genuine and he’s really sweet, gugustuhin mo talaga siyang maging kaibigan. Pero siyempre, kung sasabihin ‘yon, we’ll always be flattered,” aniya pa.

Tungkol naman sa pagpasok sa isang seryosong relasyon, “Alam mo, ayaw kong magsalita nang tapos. But right now, compared to the last press conference for Pure Love, I think my heart has mended.”

“Ayaw kong puwersahin (magka-lovelife), I don’t want to force things. Hayaan ko na lang muna na whatever happens, kung ano ang will ni Lord, ‘yon na lang muna. Ayaw kong i-push kasi kakagaling pa lang (ng puso ko) sa heartbreak,” natatawang sabi pa ng dalaga.

Kung matatandaan, na-link noon si Alex sa It’s Showtime host na si Ryan Bang.

Samantala, halaga ng pamilya at tunay na pagmamahal ang ibabahagi sa viewers ng huling dalawang linggo ng Pure Love na magtatapos na sa Nob. 14 (Biyernes).

Mula nang umere ito noong Hulyo 7, gabi-gabing namayagpag ang serye sa timeslot nito. Umikot ang istorya nito sa buhay ng dalawang babae – sina Diane (Alex) at Ysabel (Yen) – na pinag-isa ng tadhana upang hanapin ang tunay na pag-ibig na makapagbubuo muli sa kanilang mga pagkatao.

Sa huling dalawang linggo ng serye, tiyak na mas mapapakapit ang mga manonood sa Pure Love ngayong natuklasan na ni Diane na ang sinasaniban niyang si Ysabel ay ang matagal na niyang nawawalang nakatatandang kapatid na si Danica.

Paano babaguhin ng katotohanan ang buhay nina Diane at Ysabel ngayong mayroon na lamang silang dalawang natitirang araw para tapusin ang kanilang misyon? Ano ang pangyayaring magbibigay-daan upang makuha ni Diane ang kinakailangan niyang huling “pure love tear” para muling magising at makasama ang kanyang buong pamilya?

Sa ireksyon nina Veronica Velasco, kasama rin dito sina Arron Villaflor, Matt Evans, Yam Concepcion at Anna Luna, togetherwith Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce at Shey Bustamante.

Napapanood pa rin ang Pure Love, gabi-gabi bago mag-TV Patrol.

Read more...