GERALD, SARAH inaabot ng umaga sa telepono


HIYANG-HIYA si Sarah Geronimo habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

At dahil diyan kaya buking na ng marami na may itinatago nga ang Pop Princess sa publiko.

Nauna rito, inamin ni Gerald na nanliligaw nga siya kay Sarah at seryoso na raw siya sa panunuyo sa singer-actress.

Mukhang okay naman sa mga magulang ni Sarah ang panliligaw ni Gerald sa kanilang anak dahil wala naman tayong naririnig na kung anu-anong kanegahan mula sa istriktong si Mommy Divine.

“Ayoko na lang po muna. Uncomfortable po sa akin na pag-usapan.

Naku, nahihiya po talaga ako. Basta okay kami po, sobra!” ang tanging naisagot ni Sarah sa tanong kung ano ang feeling ngayong very open na si Gerald sa kanilang relasyon.

Nang hingan naman siya ng message para kay Gerald, “Ha-hahaha! Ite-text ko na lang po.” Napakagaling talagang umiwas ni Sarah sa mga issue, ‘no! Ha-hahaha!

Kasabay nito, inamin naman ni Gerald na mas naging  super close sila ni Sarah, “Mas komportable kami sa isat-isa.

Mas close kami ngayon we’re just happy na ganu’n kami at sana natuwa rin ang fans sa nakita nila. On a personal level happy kami.”

Pero totoo ba na bukod sa napakataas ng bill niya sa cellphone dahil sa pagtawag kay Sarah ay inaabot din daw sila ng madaling-araw sa pag-uusap sa telepono, “May ganu’n talaga?

Basta, steady lang po, tsaka kaya siguro mas naging close kami kasi mas madalas ang communication naming dalawa.

Hanggang ganu’n na lang po muna.”

Well, mukhang hindi naman minamadali ni Gerald si Sarah.

At sa pagkakaalam namin, talagang bantay-sarado pa rin si Sarah ng kanyang Mommy Divine dahil mahirap na nga namang bigla siyang maisahan ni Gerald. Ha-hahaha!

Read more...