Kilikili ni Joshua ipina-botox ni Kris

kris aquino
Grabe raw magpawis ang kilikili ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua kaya ipina-botox niya ito kamakailan.
Sa episode ng Kris TV kahapon, kinumpirma ng TV host-actress na sumailalim sa proseso ng botox ang anak para mabawasan ang sobrang pagpapawis ng kilikili nito.

Marami ang nagulat sa sinabi ni Kris dahil ang alam nga ng marami ay para lang ito sa mga taong nagkakaedad na gustong magmukhang bata ang itsura.

Pero sabi nga ni Tetay, malaki na ang ipinagbago ng kundisyon ng armpits ni Josh mula nang ipa-botox niya ang bagets.
“Oh my God, nagwo-work talaga ‘yung Botox sa kili-kili kay Josh.

It really stopped,” sey pa ni Tetay. Si Toni Gonzaga raw ang nagkuwento sa kanya ng tungkol dito. “And it really helped Josh dati ang dami niyang sweat stains. Now his kili-kili is not pawis-pawis anymore,” chika pa ng Queen of all Media.

Read more...