“Managot ang dapat managot!” ‘Yan ang naging pahayag nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar, ang magulang ng batang si Calix Andreas na isa sa mga nasugatan sa school bus accident noong Martes ng umaga sa intersection ng Speaker Perez at N. Rojas Streets, sa Q.C..
Mismong ang dating beauty queen at ex ni Dennis na si Carlene Aguilar ang nag-post sa kanyang Instagram ng nangyari sa kanyang anak sa iba pang mga batang biktima ng aksidente.
Hiling niya na sana’y maparusahan ang mga taong may kinalaman sa nangyari. Ang litrato ni Calix na ipinost ni Carlene ay may caption na: “This happened sa school service ng anak ko…buti nalang at gasgas at bukol lang sa ulo meron ang anak ko. sana lang tlga managot ang mga dapat managot at dapat hindi mabilis magpatakbo ang mga school bus drivers dahil may mga pasahero silang mga bata. thank you Lord safe anak ko pero im still praying sa mga batang lubhang nasugatan sa aksidenteng ito! #huwagtularan #notorecklessdrivers.”