Mommy ni Sharon namatay na

sharon cuneta
NAGLUKLUKSA na naman ang industriya ng showbiz dahil sa pagpanaw ng ina ni Megastar Sharon Cuneta at lola ni KC Concepcion na si Elaine Cuneta.
Kahapon, mismong si KC ang nag-post sa kanyang Twitter account ng tungkol sa pagkamatay ng kanyang Mama Mita (tawag niya sa kanyang lola), 79, na dating beauty queen, singer at aktres.
“I just lost the love of my life today. My Mita will forever be the BEST GRANDMA EVER. She will forever be with me. I love you, my Mita,” ang tweet ni KC.
Dugtong pa ng TV host-actress, “My grandma will forever be my inspiration. She loved life, gave us all beautiful adventures. She knew me more than I knew myself. #SuperLola. I will miss you laughing this much, this way. I shared so many fun times with you that I will recreate.”
Bago ito, humiling na ng dasal si KC sa kanyang followers para sa kanyang lola, “Hi pls send ur prayers up for my grandma. She’s in a make-or-break situation with an operation she has to undergo this morning. Love u all!” Ngunit hindi na nga tumagal pa ang buhay ng mommy ni Mega.
Sunud-sunod naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa social media para sa pamilya nina KC at Sharon, mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz.
Tweet ni Jed Madela: “@kc_concepcion I read about the sad news, Kace. Will include your grandma in my prayers. Sending you love and strength.”
Mensahe naman ni Zsa Zsa Padilla: “R.I.P.  Mommy Elaine Cuneta. Our deepest condolences,  Shawie and @kc_concepcion.”
Kamakailan lang sa isang episode ng Kris TV ay napaiyak si KC nang mapag-usapan ang kundisyon ng kanyang lola, miss na miss na raw kasi niya ito.
Aniya, hindi pa kasi nila ito pwedeng dalawin sa ICU. Halos dalawang buwan ding naka-confine sa ospital si Mrs. Elaine Cuneta bago nalagutan ng hininga.

Read more...