Luis diamond jewelry set ang b-day gift kay ate Vi

By Ervin Santiago November 05,2014
share this

Luis diamond jewelry set ang b-day gift kay ate Vi

By Ervin Santiago November 05,2014
share this

luis manzano
Knows n’yo ba kung ano ang regalo ni Luis Manzano para sa kanyang inang si Batangas Gov. Vilma Santos na nag-celebrate ng kanyang 61st birthday noong Lunes? A diamond jewelry set lang naman! Bongga, di ba?!

Kuwento ni Luis, magkakasama silang pamilya last Sunday para sa birthday dinner ni ate Vi, kasama rin nila that night ang girlfriend na si Angel Locsin na niregaluhan naman ang Star for all Seasons ng isang designer bag.

“Nag-dinner kami to be precise on the second kasi trabaho ngayon. So everyone close to mom were there. I got her a jewelry set. She put it on right away the earrings, nakakatuwa lang talaga.

In fact, she gave me the ring back kasi kailangang baguhin ‘yung sukat but I’d like to think na nagustuhan niya talaga ang regalo ko,” kuwento ni Luis.

Sa ngayon, recovering na sa kanyang skin allergy si ate Vi and very soon ay magsisimula na sila ng shooting ni Angel para sa pagsasamahan nilang pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending