Insomnia bunga ng stress | Bandera

Insomnia bunga ng stress

Dr. Hildegardes Dineros |November 05,2014
facebook
share this

Insomnia bunga ng stress

Dr. Hildegardes Dineros - November 05, 2014 - 03:00 AM

ISANG malusog na araw sa inyong lahat! Nawa ay laging kapayapaan ang nangingibabaw sa ating pagkatao.

Sinasabi ko ito sa kadahilanang ang mga karamdaman na pisikal ng isang tao ay may kaakibat na impluwensya ng mapaglarong kaisipan, makasariling pananaw, at pag-iipon ng negatibong enerhiya tulad ng galit, inggit, pagtatanim ng sama ng loob, at iba pang mga bagay na hindi magdudulot ng katahimikan o kapayapaan.

Ano naman ang kinalaman ng kapayapaan sa ating kalusugan? Sanhi o epekto? Anong klase ng kapayapaan ang maari makaapekto sa kalusugan?

Madalas na sinasabi at napapakinggan natin ang salitang stress.

Kapag nailagay tayo sa sitwasyon na hindi natin gusto sasabihin natin na stressed tayo. Kapag hindi tayo nakakatulog, tulala, pagod o kaya’y “lowbat” malamang ay hindi natin nadadala ng tama ang ating “stressors”.

Pero, alam ba ninyo na ang tao mismo ang siyang pangunahing gumagawa ng stress sa sarili?

Ang pagnanasa ng isang tao na kontrolin ang lahat ng nakapaligid sa kanya at ang kanyang pagiging makasarili ang siyang pangunahin na dahilan kung bakit sila naii-stress.

Tunghayan natin ang napakasimple na problema ng insomnia, isang kundisyon na hindi tayo makatulog.

Malamang umiikot pa ang pag-iisip natin kung kaya’t gising na gising pa tayo kahit hatinggabi na at oras na para matulog.

Dahil sa stress kulang ang tulog natin. Pagkagising sa umaga hindi natin nararamdaman ang pagiging relaxed o kapayapaan.

Dahil sa kulang ang tulog, nai-stress tayo at patuloy na tumataas ang level ng stress at nagiging bugnutin.

Ang vicious cycle na ito ay nagdudulot ng discomfort sa katawan kung kaya naman kinakailangan matugunan ito sa pamamagitan ng pagkain ng sobra, gamot, alak at iba pang bisyo.

Hindi na ito malusog na lifestyle at lalong hindi ito ang tinatawag na magandang kalusugan.

Ang kapayapaan o peace of mind ay makukuha sa pamamagitan ng conversion, ang pagtanaw ng ating kaisipan sa sentro ng buhay, ang espiritwalidad. Kinakailangan nakaangkla dito ang pamumuhay ng isang tao.

Sa ganitong pananaw lamang mapapanatili na disiplinado ang kaisipan, kontrolado ang emosyon, maayos at malusog ang pangangatawan.

At ang ganitong pananaw ay tumutukoy sa posisyon ng tao sa harap ng kanyang Diyos. Sino ba ang may kontrol? Kailangan lang piliin ng kaisipan ng tao ang katotohanan na ito at ang contentment ang aabutin niya, at kapayapaan ay makakamit nya.

Kung may kapayapaan sa pag-iisip, madali na maalis ang stress, ang pagtulog ay hindi na problema, paggising sa umaga ay nakapagpahinga na ng husto at hindi na nakakaramdam ng discomfort, “lobat” at lack of energy.

Importante na malaman natin na sa Diyos lamang nanggagaling ang “Positive Healing Energy” at dumadaan ito sa atin kapag mapayapa ang ating kaisipan at ang ating puso. Desisyon lamang ito. Mas pipiliin mo bang maysakit ka o wala?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundan si Doctor Heal sa Radyo Mediko sa Radyo inquirer 990am kada 8-9 ng gabi, Lunes hanggang Byernes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending