Litrato nina Korina at Igan noong Undas iniintriga

korina sanchez
Kumalat sa social media ang picture nina Korina Sanchez at Arnold Clavio, kuha ang photo sa nakaraang coverage nila ng Undas. Si Korina lang yata ang taga-Dos at lahat ng kasama niya sa photo ay mga kasamahan na ni Arnold sa Siyete.

Nakakaloka dahil say ng isang Facebook fan page, bakit tila palaging gustong magpakuha ng mga Kapuso stars sa mga Kapamilya talents.

It cited a past photo which showed GMA’s My Destiny cast and production people in one photo with the stars of Hawak Kamay, Piolo Pascual and Iza Calzado.

Teka, hindi kaya pagmulan ng intriga ang photo nina Korina at Arnold na magkasama dahil they belonged to  rival stations? Sana naman ay hindi.

But for us, wala namang masama kung nagpakuha na magkasama ang dalawang broadcast journalist, picture lang naman ‘yan.

Read more...