Iñigo Pascual, Sofia Andres matagal nang magdyowa pero maraming bawal

inigo pascual
HINILING pala ni Sofia Andres sa Panginoong Diyos na magkaroon siya ng lead role sa pelikula na natupad naman dahil ikalawang pelikula palang niya (nauna ang She’s Dating The Gangster) ay bida na agad siya sa “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” mula sa Spring Films distributed by Star Cinema.

“Every Wednesday po, nagbaba-Baclaran kami for what I want and say thank you to Him,” sabi ng dalagita sa amin.Unang napanood si Sofia sa pelikulang “She’s Dating The Gangster” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang support.

Sa teleserye ay support din siya sa Princess And I, “Ako po ‘yung mabait at matabang kapatid ni Kath,” balik-alaala ni Sofia.
At ngayon ay support ulit siya kay Liza Soberano sa seryeng Forevermore na umeere ngayon sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pero dito nga sa pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” ay bida na si Sofia, “Sobrang blessed and happy po kasi pinagkatiwalaan nila and Lord give me this project na talagang dream ko pong magkaroon ng movie na ako ang bida with Julian (Estrada) and Iñigo (Pascual).”

Dumaan daw sa audition si Sofia para sa role na ginagampanan niya pati na rin si Liza Soberano, “Kasabay ko po siya that time, pero two years in the making po ito at ako po ‘yung tinawagan na.”

Naikuwento namin sa dalagita na ang choice ng producer sa papel niya sa movie ay si Liza, pero tumanggi ang direktor dahil malamya raw ang ka-loveteam ngayon ni Enrique Gil, at natawa si Sofia dahil alam din pala niya ang kuwento, “Opo, pero magkasama pa rin kami ni Liza sa Forevermore, ako naman po ang support,” saad niya.

Hindi miyembro si Sofia ng Star Magic Circle, nag-go-see raw talaga siya at nag-audition, “After a month po, tinawagan ako ng Star Magic and told me that I’m part of the Star Magic talents and they sign me a contract, tapos akala ko po, madali na kasi nakapasok na ako (sa ABS), pero marami palang competition,” pagtatapat ng dalagita.

Ano ang real score sa kanila ni Iñigo? Totoo bang MU sila o pakilig lang para sa promo ng pelikula nila? “We’re talking po, and we text each other, but not everyday  busy din naman po siya, we’re close po,” sagot ng dalaga.

Gaano ka-close ang relasyon nila? “Naging close po kasi kami sa movie, laging magkasama po.” So may mutual understanding nga kasi pareho nilang gusto ang isa’t isa, “Yes po. Ha-hahaha! Pero chill lang,” tila nahiyang sagot ng bagets.

Hindi naman itinanggi ng dalagita na gumimik na sila ng anak ni Piolo, “Twice po, with our moms po sa Greenbelt, hindi po kami pinapayagan na kaming dalawa lang,” pag-amin pa niya sa amin.

At siyempre nanood sila ng sine, “Opo, ‘Transformers’ po, matagal na ‘yun. The other one (nag-date), nakalimutan ko nap o kung ano ‘yun, kung saan kami nagpunta, a year ago pa po.”

Boto ba ang mommy ni Iñigo kay Sofia dahil ang daddy nitong si Piolo ay gusto ang dalagita, “I don’t know po. Mabait naman po si tita (mommy ni Iñigo), hindi naman po siya mean pag kasama namin, pareho po kami ng gusto, chocolates,” napangiting sabi sa amin.

Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Sofia, “Regular school po, Montessori school po sa Pasig, 4th year high school na po, graduating na next year. I want to take up multimedia po, film or Masscom para related po sa showbiz.”

Samantala, ibinuking din ni Sofia na nanligaw sa kanya si Julian Estrada, “Kaso po at that time na nagparamdam siya, broken hearted siya kay Julia (Barretto), ayoko po ng ganu’n.”

Anyway, mapapanood na ang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” sa Nob. 9 sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

Read more...