KC napaiyak sa kundisyon ng lola

kc concepcion
NAPAIYAK si KC Concepcion nang mapag-usapan ang tungkol sa kundisyon ng kanyang lolang si Elaine Cuneta, ang nanay ni Megastar Sharon Cuneta, na nasa ICU pa rin hanggang ngayon.

Sa episode ng Kris TV kahapon, sinabi ni KC na dalawang buwan nang nasa ospital ang kanyang lola, “Oh my God, I miss her, I miss her. Usually siya yung nag-aayos ng (Christmas) decorations sa bahay at pinaplano niya na ‘yung lulutuin,” anang dalaga na hindi na napigilan ang maluha.

Dugtong pa nito, “Alam ko she’s struggling and fighting to be well. Pero she’s doing well. I just miss her lang talaga and I love you so much Mita.”

Bawal pa nilang dalawin ang kanyang lola sa ICU, “Sa ngayon kasi we are not allowed to visit kasi mabilis siyang (mahawa). She’s been there for two months na and she’s doing well.

The doctors and nurses are taking care of her and she knows na mahal na mahal namin siya and she knows na we are always there for her nagbabantay, tumatawag kung ano na ang nangyayari.”

Read more...